Boluntaryong Pag- Recall at Pagpalit ng Mga Battery Pack ng Laptop
Indonesia | Pilipino
| Melayu |
简体中文 | 繁體中文 | සිංහල |
தமிழ் | ภาษาไทย | English |
Minamahal na Customer,
27th Agosto 2015 - Nagpapasalamat kami sa iyong pagtangkilik sa mga produkto ng Fujitsu.
Napag-alaman namin na ang ilang mga battery pack na gawa ng Panasonic Corporation at ginamit sa mga laptop ng Fujitsu laptops ay maaaring mga orihinal o kapalit, na sa bihirang mga pagkakataon ay maaaring sumiklab at magsanhi ng sunog. Kung kaya, ang Fujitsu ay boluntaryong magre-recall at magpapalit ng mga maaaring apektadong battery pack.
Hinihingi namin sa lahat ng customer na may mga battery pack na nakasaad sa "Mga Apektadong Battery Pack" sa ibaba na mag-apply para sa isang kapalit ayon sa ipinaliwanag sa “Paano Mag-apply para sa Pagpapalit ng Baterya." Upang matiyak ang ligtas na paggamit ng iyong laptop hanggang mapalitan ang battery pack, pakibasa ang mga tagubilin sa ibaba.
Lubos na humihingi ng paumanhin ang Fujitsu sa abalang idinulot nito sa kanyang mga customer, at hinihingi ang iyong kooperasyon sa pag-recall at pagpalit ng battery pack.
Nasa ilalalim ng pag-recall at pagpalit ang iyong battery pack kung ang iyong laptop ay nakalista sa ilalim ng "Mga Tinutukoy na Laptop" at ang battery pack ay nakalista sa ilalim ng "Mga Apektadong Battery Pack."
Mga Tinutukoy na Laptop
Mga Apektadong Battery Pack
Mga Apketadong Battery Pack | |
---|---|
Product Number | Partial na Serial Number |
CP556150-01 | Z110802 hanggang Z111212 |
CP556150-02 | Z120102 hanggang Z120512 |
Naka-print ang product number at partial na serial number sa ilalim ng barcode sa isang sticker na nakadikit sa battery pack, tulad nang ipinapakita sa ibaba. Pakitingnan ang mga lugar na may pulang marka.
- Product number: Serye ng of mga alphanumeric character na nagsisimula sa "CP"
Partial serial number: Mga alphanumeric character na nagsisimula sa "Z" pagkatapos ng hyphen
Paano suriin ang product number at serial number ng battery pack
TANDAAN: Kung tinatanggal ang battery pack upang kumpirmahin ang mga product ay serial number, pakitiyak na naka-off ang computer, alisin sa saksakan ang AC adapter at pagkatapos ay alisin ang battery pack.
Kinakailangan ang sumusunod na impormasyon kung nag-a-apply para sa isang kapalit:
- Ang product number at serial number ng battery pack
- Ang pangalan ng model at serial number ng laptop
I-click dito(wikang Hapon lamang) upang kumpirmahin kung ang iyong battery ay dapat ma-recall at upang mag-apply para sa pagpapapalit kung kailangan.
Hinihiling namin na ang lahat ng mga customer na may apektadong battery pack ng laptop na isagawa ang sumusunod na dalawang hakbang upang ligtas na magamit ang kanilang laptop hanggang sa mapalitan ang kanilang battery pack. Humihingi kami ng paumanhin sa abala ng paggamit ng iyong computer gamit lamang ang AC adapter.
- Kung ginagamit ang iyong computer, pakitanggal ang battery pack at i-plug in ang AC adapter.
- Kung tinatanggal ang battery pack, pakitiyak na naka-off ang laptop at hindi nakasaksak ang AC adapter.
2. Pakitabi nang maayos ang battery pack sa oras na matanggal ito.
- Pakitabi ang battery pack sa isang malamig at madilim na lugar na malayo sa mga bagay na maaaring masunog.
- Mangyaring huwag i-charge ang battery pack habang itinatabi ito.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan ang mga customer sa aming service support sa:
- APAC: helpdesk@my.fujitsu.como i-click ang http://www.fujitsu.com/hk/support/products/computing/pc/ap/service/warranty-local.html
- Australia Toll free: 1300-163-411 (sa pagitan ng 09:00 – 17:00 AEST)
- China: 400-820-8387
Kinakailangan ang sumusunod na impormasyon kapag nag-a-apply para sa isang pagpapapalit:
- Ang product number at serial number ng battery pack
- Ang pangalan ng model at serial number ng laptop